antgsm
Home | About Us | Contact Us
Rising ANTGSM
Quick Member Login:
Forgot password?
ANTGsm Statistics:
Forum Members: 28,452
Total Threads: 94,563
Total Posts: 511,624


There are 817 users
currently browsing forums.
You don't appear to be registered. Click here to register

antgsm » Anything Goes » Health and Fitness » STROKE, paano maiwasan

Reply
 
Thread Tools Search this Thread Display Modes
Old 12-10-2015, 03:24 AM   #1
Ravenz
Member
 
Ravenz's Avatar
 
Location: U.S.A. / Rizal
Join Date: Jun 12,2014
Posts: 73
Thanks Meter: 250


Awards Showcase

Default STROKE, paano maiwasan

Mahaba ito pero para sa ikabubuti nyo naman.
Ito ay aking explenasyon tinagalog para maintindihan ng maiigi ng lahat, sana makatulong sa lahat


Ano nga ba ang STROKE

- sakit na nakukuha dahil sa kawalan ng supply ng dugo sa ating utak. Pagkabara ng mga ugat ang sanhi nito kaya naman hindi makadaloy ng maayos ang dugo sa utak.

- Maaring magdulot ng pagkamanhid o paralisado ng kalahati ng katawan, o pagkamatay (lalo na yung mga kaliwete)


Ano ba ang mga Posibilidad ng STROKE para ating maiwasan?

Mataas na Presyon ng Dugo
Highblood. 120/60 ang pinaka Normal baseline. Pero maari itong magkaiba isa isang tao.
Halimbawa, payat - normal sa amin () ang 110-100/60 dahil maliit lamang ang aming katawan para daluyan ng dugo. Sa mga malalaking katawan (laman ng gym) maging mga chubby o matanggkad, normal para sa kanila ang 120-140/60-70 dahil sa actibo ang puso (work outs), at mabilis ang daloy ng dugo dahil kailan ng sistema ng katawan.

Pero kung pumapalo ang BP ng mga 150- above/90-100 o mataas pa, at nakakaranas ng madalas na pagkahilo, kailangan ka ng pumunta sa doktor.

Regular na pagpa BP ang kailangan, para malaman natin ang ating baseline (normal para sa iyo)...ang aking maipapayo.


Mataas na Blood Sugar
Sa mga Diabetic. Dahil dito ang inyong dugo ay lumalapot (parang paghinalo nyo ang asukal sa tubig ay madikit/malagkit) maaring ikasira ng ugat dahil sa paglikha ng blood clotting o dugong nagdikit dikit at sanhi ng pagkabara. Maari din masira dahil sa mga gamot (blood thinning drugs ng mga Diabetic)

Bawasan ang pagkain ng matatamis at mataas na carbohydrates kada araw.


Paninigarilyo
Kung araw araw ay isang kaha ka ng sigarilyo ay mag isip isip ka na. Kung ang baga nyo ay unting unting binabara ng mga toxin galing sa sigarilyo, ay nahihirapan ang inyong puso. Kapag nahihirapan ang puso, bumibilis ang tibok nito. Pag mabilis ang tibok ng puso, tumataas ang presyon ng dugo ninyo.
Karamihan sa naninigarilyo ay hindi ito napapansin dahil sa pakiramdam nila ay normal o nakasanayan na.

Bawasan ang paninigarilyo, kung maari ay unti unti mo na itong itigil. Di lang ikaw ang kawawa, kundi ang ang mga mahal mo sa buhay at mga tao sa paligid mo (2nd hand smoking)
Di mo ba alam na ang isang stick ng sigarilyo ay katumbas ng 1600 toxins: 1600 x stick per day = toxin mo sa katawan.



Walang Ehersisyo
Sa mga laging naka upo, lalo na sa mga teknisyan na maraming biniyak na puso joke lang.
Dahil sa hindi gaano aktibo ang puso, kumikitid ng bahagya ang mga ugat (automatic response ng katawan) para dumaloy ang dugo pataas sa ating utak (parang yung lobo may tubig tapos hinigpitan nyo ng hawak, mapapansin nyo yung tubig pupunta sa dulo ng lobo)

Payo ko, kapag manhid na yung mga hita at pwet natin, tumayo tayo at maglakad lakad mga boss at sir. Alam ko may trabaho tayo, pero wag natin pabayaan ang ating sarili. Para saan ang pera kung mapupunta lamang sa pagpapagamot. Mahirap ma stroke, di ka na makakapagtrabaho kung isa na lamang ang iyong kamay...ang masaklap mauulila ang inyong pamilya


Nahihirapan sa Paghinga
Maraming halimbawa kung umakyat lang kayo ng 2nd floor at hiningal na kayo, or tumakbo saglit.

Mainam kung uminom ng tubig pagkahingal. Maganda kung pinagpawisan ka o ehersisyo. Sanayin ang katawan mo, kahit mag lakad lang ng 15 minutes. Tapos paunti unti ka ng mag jogging.



Mataas na Cholesterol
Halintulad sa diabetic, lumalapot ang dugo dahil ma langis (tubig haluan mo ng mantika tapos i-shake mo, mapapansin na may langis sa pagitan ng tubig. Lagay mo sa ref, at magsesebo)

Tip ko, kung ang mantika nyo sa bahay ay nagsesebo, kahit hindi naka ref/ac, mabuting itapon nyo dahil imaginin nyo kung ang mantika ay nagsebo kahit nasa normal na klima, ano pa ung nakain nyo at nasa katawan nyo? Malamang nagsesebo na din kung saan-saan sa ugat nyo.
Iwasan ang matataba at malalangis na pagkain. Magpapawis para mailabas ninyo ang mga toxins sa katawan.



STRESS
Nagdudulot ng Hypertension o Highblood. Yung mga problema masosolusyonan yan. Ang heartbreak malalagpasan yan . Ang Galit lumilipas yan. Let it go mga sir and maam. Ang buhay at katawan mahirap ibalik sa dati kapag nastroke tayo.

Mainam kung pagdating sa bahay ay mag relax. Magkaroon ng Hobby para di masyadong maisip ang mga problema. Ang trabaho iwan sa shop at wag dalin sa bahay ang kakarampot na oras ay ibigay na lamang sa pamilya nyo. Movie night o massage suggestion ko


Matatanda/Sakitin
Edad at katandaan, Naglalaro din ang BP ng isang tao dahil sa kanilang Edad. medyo sensitibo na ang sistema ng katawan. Iritable pa kung minsan, maraming inisip etc. Marami ng maintianance drug at kung anu anong mga nararamdaman.
Mga sakititin, o mga taong nagkaroon ng karamdaman nuon.

Doblehin ang pag aalaga sa sarili. Mainam kung kumain ng masustansyang pagkain, kung hindi nama'y uminom ng herbal or organic vitamins


Kung may katanungan ay comment lamang, at sasagutin ko kayo... hindi tungkol sa love ah

Last edited by Ravenz; 12-10-2015 at 03:33 AM..
Ravenz is offline   Reply With Quote
The Following 22 Users Say Thank You to Ravenz For This Useful Post:
AnDRez (12-10-2015), ARKTIS (12-10-2015), ARNEL BAUTISTA (03-27-2016), bambam_gigolo (12-11-2015), Browse (12-10-2015), carter_ (12-11-2015), cIrEd (12-11-2015), dewage (12-11-2015), doobie (12-10-2015), EDGAR_MOBILE (12-11-2015), froi (12-11-2015), FullFlash™ (12-11-2015), gsm_hunter (12-10-2015), Jakz09 (12-10-2015), RemliG (12-29-2015), roel79 (12-11-2015), seiko (12-10-2015), Sniper_rod (12-10-2015), SONNY (12-10-2015), tower01 (12-11-2015), wintech_xp (12-11-2015), zarben (12-11-2015)
Old 12-10-2015, 09:43 AM   #2
maya07
Level 2 Tech
 
maya07's Avatar
 
Location: kalookan
Join Date: Aug 28,2014
Posts: 501
Thanks Meter: 257


Awards Showcase

Default

pra sakin ang stroke sakit na ng pinoy yan lalo na sa bansang mainit
maya07 is offline   Reply With Quote
The Following User Says Thank You to maya07 For This Useful Post:
Ravenz (12-10-2015)
Old 12-10-2015, 09:54 AM   #3
Ravenz
Member
 
Ravenz's Avatar
 
Location: U.S.A. / Rizal
Join Date: Jun 12,2014
Posts: 73
Thanks Meter: 250


Awards Showcase

Default

Quote:
Originally Posted by maya07 View Post
pra sakin ang stroke sakit na ng pinoy yan lalo na sa bansang mainit
Meron din dito sa States ang stroke.

Heat stroke po ata yan. Ito po yung pagtaas ng presyon dahil sa pabago bago ng klima.
Ang dugo po ay heat source ng katawan. Kaya po pag uminom tayo ng tubig, o nakikipagtalik, bumibilis ang tibok ng puso natin at umiinit ang pakiramdam.

Ung utak po natin sensitibo, kapag masyadong nainitan di nya pinapayagan ang dugo na dumaloy. Kung baga parang malfunction, no blood sa brain equals to stroke.
Ravenz is offline   Reply With Quote
The Following 2 Users Say Thank You to Ravenz For This Useful Post:
FullFlash™ (12-11-2015), SONNY (12-10-2015)
Old 12-10-2015, 03:49 PM   #4
lito05
Member
 
Location: angono
Join Date: Jul 30,2014
Posts: 172
Thanks Meter: 42


Awards Showcase

Default

salamat boss sa tip na ibinigay mo
lito05 is offline   Reply With Quote
The Following User Says Thank You to lito05 For This Useful Post:
Ravenz (12-11-2015)
Old 12-10-2015, 03:54 PM   #5
SONNY
Moderator
 
SONNY's Avatar
 
Location: Butuan City
Join Date: Nov 27,2014
Posts: 3,536
Thanks Meter: 4359


Awards Showcase

Default

Nice info Maam Ravenz.
SONNY is offline   Reply With Quote
The Following User Says Thank You to SONNY For This Useful Post:
Ravenz (12-11-2015)
Old 12-10-2015, 04:12 PM   #6
motolite
Certified Tech
 
Location: paranaque
Join Date: Jun 13,2014
Posts: 109
Thanks Meter: 93


Awards Showcase

Default

Tanong lang po ? ang araw -araw ba na pag inom ng alak na empy ay nkaka stroke din?
motolite is offline   Reply With Quote
The Following User Says Thank You to motolite For This Useful Post:
Ravenz (12-11-2015)
Old 12-10-2015, 04:37 PM   #7
seiko
Member
 
Location: bulacan
Join Date: Aug 15,2014
Posts: 118
Thanks Meter: 101


Awards Showcase

Send a message via Yahoo to seiko
Default

stress idol at Cholesterol ang sanhi ng stroke..tama po ang lahat ng sinaad ni idol Ravenz..dahil ako po ay stroke survivor..
seiko is offline   Reply With Quote
The Following User Says Thank You to seiko For This Useful Post:
Ravenz (12-11-2015)
Old 12-11-2015, 12:16 PM   #8
Ravenz
Member
 
Ravenz's Avatar
 
Location: U.S.A. / Rizal
Join Date: Jun 12,2014
Posts: 73
Thanks Meter: 250


Awards Showcase

Default

Quote:
Originally Posted by motolite View Post
Tanong lang po ? ang araw -araw ba na pag inom ng alak na empy ay nkaka stroke din?
Yes po sir.
Mataas po ang alcohol content ng empy/ emperador brandy. nasa kategorya po sya ng hard drinks,
Kaya naman po kailangan pa ng chazer, di ba po? Masaklap pag kaya nyong walang chazer, sunog baga

Anyway po, maipapayo ko na bawasan po natin. Imaginin nyo kung kada gabi empi tunga, abay baka di lang stroke, baka pati atay unti unting nabubutas na.
Ravenz is offline   Reply With Quote
Old 12-11-2015, 12:41 PM   #9
tower01
Member
 
tower01's Avatar
 
Location: san jose del monte city of bulacan
Join Date: Oct 24,2014
Posts: 39
Thanks Meter: 26


Awards Showcase

Default

salamat po boss Ravenz, magandang kaalaman at reminder para sa lahat ng mga technician katulad ko na nakaupo lang buong araw, pero minsan naglalakad ako pag hindi nagmamadali sa work
tower01 is offline   Reply With Quote
The Following User Says Thank You to tower01 For This Useful Post:
Ravenz (12-11-2015)
Old 12-11-2015, 12:44 PM   #10
Ravenz
Member
 
Ravenz's Avatar
 
Location: U.S.A. / Rizal
Join Date: Jun 12,2014
Posts: 73
Thanks Meter: 250


Awards Showcase

Default

Quote:
Originally Posted by tower01 View Post
salamat po boss Ravenz, magandang kaalaman at reminder para sa lahat ng mga technician katulad ko na nakaupo lang buong araw, pero minsan naglalakad ako pag hindi nagmamadali sa work
Maganda yan sir.
Kahit tumayo lang tapos unat unat ng mga paa pag namamanhid na, ok na po. Basta dumaloy ang dugo ng tama. Ika nga, galaw galaw para di ma stroke
Ravenz is offline   Reply With Quote
Reply

Bookmarks


Currently Active Users Viewing This Thread: 1 (0 members and 1 guests)
 
Thread Tools Search this Thread
Search this Thread:

Advanced Search
Display Modes

Posting Rules
You may not post new threads
You may not post replies
You may not post attachments
You may not edit your posts

BB code is On
Smilies are On
[IMG] code is On
HTML code is Off



All times are GMT +8. The time now is 06:07 AM.
Powered by vBulletin® Version 3.8.7
Copyright ©2000 - 2017, vBulletin Solutions, Inc.

Top